BUWAN NG WIKA 2018(Filipino: Wika ng Saliksik)
Filipino, wikang walang katulad, ngunit baka iniisip ninyo, malamang wala namang wika na magkakatulad, at para diyan ay tama ka kaibigan, ngunit hindi yan ang ibig kong sabihin. Una, ano bang uri ng wika ang "Filipino"? Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito. Noong 2007, ang wikang Filipino ay ang unang wika ng 28 milyon na tao, o mahigit kumulang isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing ikalawang wika nila ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay isa sa mga 185 na wika ng Pilipinas na nasa Ethnologue. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo." May mga "lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod sa karaniwang balarila ng Tagalog" sa Davao at Cebu, na bumubuo sa tatlong pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng Kalakhang Maynila o ito ang ibinigay na deskripsyon nito, ngunit mayroon pa ba itong mas-malalim na deskripsiyon?
Ang wikang Filipino ay wikang nagamit na noon pa ng ating mga ninuno, ngunit bakit ito tinatawag na wikang saliksik? Sa aking pananaw, ibig sabihin nito ay ang pagiging mainam na instrumento sa pananaliksik ang wika natin. Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagbuo ng mga kaalamang magagamit sa pagpapabuti ng ating kalagayan na ang mithiin ay umunlad sa larangan ng ekonomiya, edukasyon, pamamahala at kalagayang panlipunan. Hindi lingid sa ating kaalaman, ang dagliang pagbabago ng napakaraming bagay sa mundo, kaya napakalaking hamon ang pagsasaliksik kaya ito ay isinusulong upang magkaroon ng matibay na basehan sa pagsagawa ng mga Iba't-ibang uri ng mga bagay, pagpapatupad ng layunin at panghuhusga ng isang pangyayari. Ang gustong makamit ng wikang Filipino ay ang pagiging pluricentric language, o ang wikang may iba't ibang bersiyon depende sa lugar na kung saan ito'y ginagamit.
Kadalasan ang wikang Ingles ang ginagamit ng mga mag-aaral upang manaliksik, ngunit ang ating wika pala ay nagagawang madali ang pananaliksik. Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ng kapwa mo?, paano kaya mapapabilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika, ito ang nais ipahiwatig ng sanaysay na ito, na ang wikang Filipino ay hindi lang wika ng pananaliksik, kundi wika ng pag-unlad.
Sa huli, hindi mahalaga ang wika kung hindi mo pinapahalagahan, dahil ang wika ang pinaka-importanteng biyaya ng diyos sa tao, upang makapag-usap ang mga tao sa Isa't-isa, kaya aking kaibigan, huwag kang mag-isip na mas mataas ka sa ibang tao dahil lang alam mong gumamit ng ibang wika, dahil ang wika ay ginagamit lang sa komunikasyon upang mapalapit ang loob ng dalawang tao sa isa't-isa. Ito lang, paalam.
Links:
Pinagbasehan:
Pinagbasehan:
- http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/12/tagalog-na-sanaysay-tungkol-sa-wika.html
- http://www.davaocatholicherald.com/2018/07/ang-filipino-wika-ng-saliksik/
Image: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj3gkFogjpyffcO-qXDVDgZQ4irpE9IXscAlnsGN3gxcHVBX5CVdHmHNYxt-ybqHomajchicA-BooQ4kltveCVHqzmEhaNpxZ_0ktn8G-oPoo6PVYu0ydq8DaRD54qbgBfXDWWDxlRu_54/s1600/buwan-ng-wika-tema-2018+Filipino+Wika+ng+Saliksik.png
nakakainspire ang iyong ginawa kaibigan ipagpatuloy mo lang ito
ReplyDelete