BUWAN NG WIKA 2018(Filipino: Wika ng Saliksik)
Filipino, wikang walang katulad, ngunit baka iniisip ninyo, malamang wala namang wika na magkakatulad, at para diyan ay tama ka kaibigan, ngunit hindi yan ang ibig kong sabihin. Una, ano bang uri ng wika ang "Filipino"? Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito. Noong 2007, ang wikang Filipino ay ang unang wika ng 28 milyon na tao, o mahigit kumulang isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing ikalawang wika nila ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay isa sa mga 185 na wika ng Pilipinas na nasa Ethnologue . Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang