Mapanuring paggamit ng gadget: tungo sa mapagkalingang ugnayan ng pamilya at kapwa

Image result for teknolohiya

Ang teknolohiya ay ginawa upang mapadali at mapadalas ang gawain. Ginawa ito upang umunlad ang pamumuhay ng tao, ngunit hindi na ito nagagamit nang maayos. Ang teknolohiya ay ginawa upang makatulong, ngunit marami ang gumagamit nito upang makasakit sa ibang tao, ginagamit ng mga taong mayroong tanim sa sama ng loob tungo sa isang indibidwal.

Sa pamamagitan na ng mga gadgets ay nakakagamit ang isang indibidwal ng "social media" kung saan marami ang nagbabahagi ng kanilang opinyon at pananaw, at karamihan na ngayon ay ginagamit na ito upang siraan ang isang indibidwal, maaaring dulot ng inggit o galit ang kanilang kilos ngunit tumatangging harapin ang problema ng harapan, kaya ito nalang ay pinapalaki nila sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang pananaw sa isang tao sa "social media" at gumagawa ng gulo. Hindi masama ang magpahayag ng damdamin, ngunit hindi ito makabuluhang rason sa paninira sa iba, ang pagbibigay ng isang opinyon sa isang isyu ay hindi nakakasama kung ito ay nananatili lamang na opinyon at hindi ang sadyang pinapatamaan ang iba, kung mayroon sanang problema ang isang indibidwal sa ibang indibidwal, dapat nila itong solusyunan agad at pag-usapan nang maigi. Ang mga gadgets ay maaari namang gamitin sa pakiki-ugnay, ngunit ginagamit na ito upang makasakit, kaya tuloy-tuloy na ang pagsama ng reputasyon ng teknolohiya, ngunit hindi naman kasalanan ng teknolohiya, kasalanan ng mga gumagamit nang walang responsibilidad.

Sa huli, ang paggamit ng mga gadgets ay nakakasama kung ginamit sa kasamaan, ngunit ito rin ay nakakabuti kung gagamitin sa kabutihan, bilang indibidwal dapat alamin ang mga dapat at di dapat gawin, ang tama at ang mali sa paggamit ng teknolohiya. Gamitin upang mapalapit at huwag para mapalayo.

Links:
Image

Comments

Popular posts from this blog

Letter to the President

Why we celebrate Independence Day

President Duterte: S.O.N.A. 2018