Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng Bata
Siguro nga maraming mga mahihirap na propesyon sa mundong ito, ang pagiging Doktor, Inhinyero, Arkitekto o Guro. Mahirap man ang mga ito, kung ikukumpara sa pagiging Magulang, walang makakatalo dito. Kung iisipin, ang magulang ang nag-aaruga sa bata at pinapalaki ito hanggang sa ito ay lumaki ng maayos at ang tanging bayad lang na kapalit nito ay ang ngiti ng kanilang mga anak. Mahirap ang maging isang magulang, mula sa pagtuturo kung ano ang pagkakaiba ng tama sa mali, hanggang sa pagbibigay ng payo sa kanilang problema. Una sa ina, a ng siyam na buwan na pagdadalang-tao ng isang ina ay puno ng maraming pisikal, mental at pinansyal na pagsubok. Ang panganganak naman ay naglalagay ng isang paa ng ina sa hukay. Ang mga susunod na buwan ay sadyang labis na pagpupunyagi ang dulot sa mag-asawa, lalung-lalo na sa ina. Pangalawa sa ama, ang paghahanap-buhay nang buong araw upang may maipakain sa mag-ina nito. Ang labis na pagtitiis at pagtiyatiyaga ng ama para sa buntis na asawa